The Girl Behind This Blog ♥

"My attitude is based on how you treat me."
I'm Yhen Tome. 16 yrs old. 11.11.95. Filipina. Future Culinary Arts student at LPU - Batangas. Batangas City. I share everything about my life, blog about myself and everything under the sun. ッ

Me, Myself and I ッ

My Links ッ

2 June 12

Gaano ako kasamang Kapatid/Ate?

Minsan kapag wala ako sa mood o natatakot matulog mag - isa sa kwarto, katabi ko ‘yung Kapatid ko at si Mama. At kapag hindi pa ako inaatok, eto ‘yung ginagawa ko sa aking kapatid:

  • Kinikiliti ko ‘yung kili - kili  niya
  • Kapag bukas ‘yung bibig niya, sinasara ko
  • Pinipindot ko ‘yung ilong niya na parang door bell LOL
  • Dinadantayan ko, tapos kapag siya ‘yung nadantay inaalis ko.

Ganito ako kasamang Ate. >:D

(Source: kalaykayhen)

Posted: 6:10 AM
[Flash 10 is required to watch video]

Promotion at SBC. I’m wearing blue armor :D Ok na sparring para sa akin, ever. Sumakit lang ‘yung paa ko ng bongga. -.-

(Source: kalaykayhen)

Posted: 5:14 AM
31 May 12
[Flash 10 is required to watch video]

Last May 29, 2012. The Grand Recital at Ginazel’s Function Hall. Ako po ‘yung Blue Belt na sumipa. Masasabi kong ito ay isang once in a lifetime and unforgettable experience :”>

(Source: kalaykayhen)

Posted: 7:03 AM

At The Grand Recital last May 29, 2012. :-)

(Source: kalaykayhen)

28 May 12

EX na, pero bakit binibigyan pa ding halaga?

— Luiz Manzano to Tom of PBB

Bakit nga ba? Simple lang…

  • Kasi may nararamdaman pa tayong feelings para sa kaniya.
  • Gusto nating ibalik ung dati na kung anong meron kayo.
  • Namimiss mo ung mga happy moments together, kahit na maikli o mahaba na ung oras na pinagsamahan niyong dalawa.
  • Siya pa din ung hinahanap hanap, bukambibig ng puso at isipan mo.
  • Hindi ka pa nakakamove on sa kanya.
  • May gusto ka pang ayusin, o linawin ung side ng bawat isa. Kung malabo ba ung break up.
  • Balak mong makipagbalikan sa kanya ng bongga.

(Source: kalaykayhen)

27 May 12

Legal relationship.

Para sakin, masarap makaexperience ng isang legal relationship. Kasi alam ko na malaya sila sa isa’t isa, malaya sila sa mga mata ng iba at magulang nila, kasi alam nila na involve sila sa isang relationship. ‘Yung mga bagay na pwedeng gawin:

  • Malaya kayong magdate at pumunta kahit saang lugar.
  • Hindi kayo natatakot na baka may makakita sa inyong iba, na baka sabihin na may boyfriend/girlfriend ka, dahil alam nanaman ng mga magulang o kamag – anak nyo.
  • Malaya kayong ipakita na ang sweet sweet nyo sa isa’t isa.
  • Malaya nyong naipapakita ung pag hoholding hands nyo.
  • May mga taong pwedeng gumabay at magpayo sa relasyon nyo kapag nagkakaproblema , kasi alam nila.

I wonder, kung mararanasan ko ‘yung ganitong pakiramdam…

(Source: kalaykayhen)

Posted: 11:30 AM
[Flash 9 is required to listen to audio.]

A Thousand Years (Cover) - Kalaykayhen

First audio post in this account. :D Hello! Alam ko, sawa na kayo sa boses ko at na-cover ko na din ‘tong song na ito. Pero nagandahan lang talaga ako dun sa instrumental, kaya eto. Hihi :>

Credits to Sungha Jung. :)

(Source: kalaykayhen)

Posted: 10:53 AM
The Grand Recital
Excited na ako for Tuesday. Kasi first time kong/namin maeexperience ang sumipa sa manipis na ply wood, ‘yung katulad ng sa Milo Commercial. Hehe. Magdedemo kami doon ng mga kicks at exposure din daw namin. Lol. Good luck for Tuesday! :))

The Grand Recital

Excited na ako for Tuesday. Kasi first time kong/namin maeexperience ang sumipa sa manipis na ply wood, ‘yung katulad ng sa Milo Commercial. Hehe. Magdedemo kami doon ng mga kicks at exposure din daw namin. Lol. Good luck for Tuesday! :))

Posted: 10:35 AM

Le duck and masayang face. :D

Hindi masamang magpacute at ngumiti sa harap ng camera, lalo na kung ‘yun ang trip kung sa’n ka masaya. :)

(Source: kalaykayhen)

Posted: 10:20 AM

Hindi pa ako ready for college life.

Ang dami ko lang kasing iiwan na mga memories. At alam ko naman na may iba ding Fourth Year HS na katulad ko na nagdaan sa ganitong sitwasyon. Sa bawat stage ng pagiging isang estudyante syempre, may mga pagbabago lagi na dapat nating harapin. Tulad nalang noong bago ko mafeel ang pagiging isang highschool student. Noong una talaga, nahirapan ako.

  • Madaming bago na dapat nating harapin. Like new group of friends, teachers at environment.
  • Mahirap mag adjust lalo na kung wala ka pang masyadong kakilala at hindi mo pa gamay ung mga taong dapat mong makasalamuha.

Pero lahat ng yan, nalampasan at naggawa ko ng ayos noong high school ako. At alam ko na ganyan ulit ako sa first day of being college student. Sabi nila, masaya daw ang college life. Pero mas masaya pa din sa high school. Kaso sa college daw, madaming pressure. Tulad ng ibang mga super seryosong professors na hindi naman talaga maiiwasan na maencounter ng bawat isang estudyante.

  • Hindi pa ako ready sa mga mabibigat na Math subjects compare sa high school Math.
  • Wala akong close friends na makakasama sa first day, kaya kailangan kong makisalamuha ng bongga.

Yan lang ung mga bagay na ikinangngamba ko. Alam ko simple lang, pero hindi pa talaga ako ready for college life. :(

(Source: kalaykayhen)

Posted: 10:10 AM

Some stuffs this May ♥ Thanks to Mama :>

(Source: kalaykayhen)

Posted: 10:05 AM

Good bye White belt and Yellow Belt. Hello Blue belt :”>

Hello sa aking paboritong kulay. I have to stay at Blue belt, dahil paborito ko. :D LOL. After 1 year, Blue na din, kahit low, okay lang. :>

(Source: kalaykayhen)

Posted: 9:59 AM

Taekwondo Promotion last May 04, 2012 at Saint Bridget Colleges.

Eto ang tinatawag na haggard faces. :D

(Source: kalaykayhen)

Posted: 9:12 AM

Last May 13, 2012/ Mother’s Day ♥

We celebrated it at SM Batangas. Nagpunta din ung Tita at pamangkin ko galing sa Calapan, kasabay pag – uwi ng Kapatid ko galing sa pagbabakasyon. Tapos, tinitreat kami ng pinsan ko na anak ni Tita, sa KFC to eat our lunch. Madaming tao sa SM, siguro dahil Mother’s Day. Pagkatapos naming kumain ng lunch, nagustuhan nu’ng pamangkin kong sumakay sa Ferris Wheel. Syempre, wala siyang kasama kaya kaming dalawa ng Kapatid ay nakibata na rin. Kaloka. Kalokang sumakay, to think na hindi na kami dapat doon sumasakay. Haha.

Masaya, na nakakapagod. Masaya kasi, may napamili ako ng konti tapos nagtingin na rin kami ng pwedeng bilhin na laptop kasi nagbabalak si Mama na ibili ‘yung Kapatid ko. Isa pa, ‘yun na rin ‘yung araw na nakasama ulit namin si Mama sa paggagala sa SM. Nakakapagod, kasi habol habol at bantay namin ‘yung malikot at makulit kong pamangkin.

I thank God for that day. Belated Happy Mother’s Day to our Mommies! ♥

(Source: kalaykayhen)